Nakalaya na ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, nitong Sabado, Oktubre 7, ayon sa Manila Police District (MPD) station 3.

Ayon sa MPD Station 3, nakalaya umano si Pura sa pamamagitan ng pagpiyansa.

Matatandaang inaresto si Pura sa bahay nito sa Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkules, Oktubre 4, kaugnay ng kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance nito.

Isang warrant of arrest umano ang inisyu ni Hon. Czarina Villanueva, presiding judge ng Manila- Regional Trial Court (RTC) Branch 36, dahil umano sa “Immoral Doctrines,” “Obscene Publications” at “Exhibitions and Indecent Shows.”

National

Grupo ng simbahan, suportado panawagang imbestigahan ng ICC ang War on Drugs: 'Let justice be served'

Nasa ₱72,000 naman ang halaga para sa kaniya umanong pagpiyansa.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila

Ang naturang pagkaka-aresto kay Pura ay dahil umano sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig sa kasong isinampa ng mga miyembro ng Hijos Del Nazareno (HDN) Central.

MAKI-BALITA: Mga deboto ng Itim na Nazareno, nagsampa ng kaso vs Pura Luka Vega

Inihayag naman kamakailan ni Pura na wala siyang nakukuhang abiso hinggil sa isinampang kaso ng mga miyembro ng HDN, kaya umano hindi siya nakakadalo sa mga pagdinig.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, wala pa raw nakukuhang abiso sa isinampang kaso ng Hijos Del Nazareno

Iginiit din muli kamakailan ng drag queen na hindi raw krimen ang drag, at palagi raw siyang bukas para sa diskurso sa mga taong maaaring “na-offend” niya.

“But sana maintindihan nila na sa mata ng isang manlilikha o artist, it’s really just a form of storytelling. Drag is art. It’s not supposed to be a crime,” saad niya.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega: ‘Drag is art, it’s not supposed to be a crime’ 

Samantala, matapos ang naturang pag-aresto kay Pura ay agad na naglunsad ng donation drive ang mga kapwa niya drag queens para tulungan siya, kung saan umabot umano sa ₱552,899.22 ang natanggap nilang donasyon mula nitong Biyernes ng tanghali, Oktubre 6.

MAKI-BALITA: Donasyon para kay Pura Luka Vega, umabot na sa kalahating milyon

Bukod naman sa kinahaharap na mga kaso ni Pura, mahigit 20 mga lugar na rin sa bansa ang nagdeklara ng persona non grata laban sa kaniya kaugnay pa rin ng nasabing Ama Namin drag performance.

MAKI-BALITA: Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega

“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” saad naman ni Pura kamakailan hinggil sa pagkaka-persona non grata sa kaniya.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, nag-react sa halos sunod-sunod na pagka-persona non grata