Ibinahagi ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson ang isa umanong aral sa nangyaring pagkapanalo ng Gilas Pilipinas sa Asian Basketball championship.
Matapos ang mahigit anim na dekada, nasungkit din ng Pilipinas ang pinaka-asam-asam na gintong medalya sa men’s basketball sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Ito ay matapos pataubin ng National team ang koponan ng Jordan sa score na 70-60 nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 6.
MAKI-BALITA: Gilas Pilipinas, kumubra ng gold medal sa 19th Asian Games
“What does Gilas Pilipinas winning the Asian Basketball championship after the team’s pathetic FIBA finish tell us? Leadership matters,” saad naman ni Lacson sa kaniyang X post nitong Sabado, Oktubre 7.
Matatandaang natapos ang laban ng Gilas sa 2023 FIBA World Cup kamakailan sa record na 1-4 matapos makakuha ng isang pagkapanalo nang tambakan nila ang koponan ng China.
MAKI-BALITA: Gilas Pilipinas, tinambakan ang China
Pagkatapos nito, inanunsyo ni Chot Reyes ang kaniyang pag-“step aside” bilang head coach ng Gilas.
MAKI-BALITA: Chot Reyes handa nang mag-‘step aside’ bilang coach ng Gilas?
Humingi rin ng tawad kamakailan si Reyes sa basketball fans dahil sa hindi umano naging maganda ang laro ng Gilas sa FIBA.
“I’ve had [apologized] numerous times [to the fans]. I have already said that I’m really sorry that we were not able to deliver and I take full accountability, I take full responsibility,” ani Diokno sa ulat ng Tempo.
MAKI-BALITA: Matapos kay MVP: Coach Chot nag-sorry sa Pinoy fans ng Gilas Pilipinas
Pinalitan naman si Reyes ng Barangay Ginebra head coach na si Tim Cone. Bago ito, nagpaalam muna umano si Cone kay Reyes bago tanggapin ang pagiging coach ng Gilas.
MAKI-BALITA: Cone, nagpaalam muna kay Chot Reyes bago tanggapin pagiging coach