Kinaaliwan ng mga netizen ang ibinahaging larawan ni Ayan Jade Paciencia Albopera sa isang Facebook online community kamakailan.

“Ikaw ba naman 7 hours ang bakante kaya nag-Japan muna kami na di na kailangan ng Visa,” saad ni Ayan sa caption ng kaniyang Facebook post.

Sa unang tingin kasi, aakalain talagang sa Japan kinunan ang larawan dahil sa disenyo ng arko na nagsilbing background nina Ayan at ng kaniyang mga kaklaseng sina Bryan Lunes, Mark Joseph Vallesteros, Lyka Alico, Juztine Mendoza, at Krizyl Joy Sombilon.

Pero sa eksklusibong panayam ng Balita kay Ayan, sa loob lang umano ng Cavite State University-Main Campus kinunan ang larawan.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Kuwento pa ni Ayan, pare-pareho umano silang kumukuha ng programang Bachelor of Science in Hospitality Management sa nasabing pamantasan.

Nang tanungin siya kung kumusta ang buhay-kolehiyo, sinabi niyang ibang-iba umano ito sa buhay-high school.

“It requires a lot of patience, hardwork and trust not just for ourselves but for the entire 4 years. It is very challenging as well because it can be a lot more fun but it's also more demanding when it comes to efforts for our subjects and other stuff. You'll have a lot more flexibility with our college classes but more responsibility at the same time.”

Hindi rin siya nagkait magbigay ng mensahe sa kaniyang mga kapuwa-estudyante sa kolehiyo na nasa kung saan mang sulok ng Pilipinas upang palakasin ang loob ng mga ito; iparamdam na hindi sila nag-iisang humaharap sa mga pagsubok.

“All I can say is that no matter what happen or no matter how life throws you a lot of struggles and hardships as a college student, at the end of the day, all our sleepless nights and stressfull days will be worth it and there's always a light behind our darkest journey.”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na ng 62k reactions at 2.5k shares ang post ni Ayan.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!