Ibinahagi ng TV personality na si K Brosas ang kaniyang naranasang depresyon sa vlog ni Karen Davila noong Huwebes, Oktubre 5.

“Hindi iisipin ng tao na si K Brosas, dumaan sa matinding lungkot o depresyon,” sabi ni Karen.

Inamin naman ni K na hanggang ngayon naman daw ay nade-depress pa rin siya.

“Minsan, nami-miss niya ako. Nagpaparamdam,” biro pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sey tuloy ni Karen: “Tingnan mo. Ganyan po siya lagi.”

Pero 17 years ago, totoo umanong na-depress si K. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kaniya. Laman daw siya lagi ng emergency room. Kapag kumakain, nabubulunan siya. Naninigas ‘yung batok niya at tila hindi maigalaw ang mga daliri.

“During that time, GMA ako noon. Sobrang hectic ang trabaho ko that time. “K and the Boxers” [...] Kaya looking back, paano ko nagawa ‘yun? Pero lagi akong…after ng gig diretso ako sa ospital. Lahat ng malalaking ospital napuntahan ko. Lahat ng klaseng doktor. Pati nga si Dr. Jose Rizal,” tawa ulit sila ni Karen.

Sa kabila ng labas-pasok niya sa ospital, healthy naman ang laging hatol sa kaniya. Pero ang hindi umano niya makakalimutan, noong bigyan siya ng valium ng isang doktor sa Medical City. Nawala raw lahat ng kaniyang panginginig at pagla-lock ng panga.

Hanggang sa hinimok na siya ng kaniyang doktor na magpa-psychiatrist. At noon niya natuklasang nagsa-suffer umano siya sa chronic anxiety na maiuugat umano sa mga pinagdaanan niya sa kaniyang pagkabata.