Inaasahang magdudulot ng ilang mga pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa ilang bahagi ng bansa ngayong Sabado, Oktubre 7, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng umaga, bagama’t wala na raw direktang epekto ang bagyong Jenny sa bansa dahil sa paglayo nito sa Philippine area of responsibility (PAR), patuloy umano nitong hinahatak ang habagat.

Kaugnay nito, inaasahang makarararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod ng habagat o ng localized thunderstorms.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama'y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Eleksyon

Toby Tiangco, sinisisi raw ng party mates sa Alyansa sa pagtagild ng kanilang partido sa Mindanao?

Samantala, mayroong binabantayan ngayon ang PAGASA na bagong low pressure area (LPA) sa labas ng PAR.

Huli umano itong namataan 1,310 kilometro ang layo sa silangan ng Eastern Visayas.

Ayon sa PAGASA, posibleng makapasok ng PAR ang LPA sa darating na Linggo, Oktubre 8.

Sa susunod na 24 oras ay mababa naman umano ang tsansang maging bagyo ang naturang LPA.