Ibinahagi ng pole vaulter na si EJ Obiena ang mga mensaheng natanggap mula sa kaniyang mga kababayan sa Cabanatuan City noong Huwebes, Oktubre 5, sa X account niya matapos masungkit ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 19th Asian Games sa China.

Ang unang mensaheng natanggap ni EJ ay mula sa isang homeschooling mom. Ayon dito, nahihirapan umano siyang ituro sa mga anak nito ang pagmamahal sa bansa lalo na noong nagsimula silang tumira sa China. Pero dahil sa pagsubaybay ng mga ito sa mga laban ni EJ, unti-unting natutuhan ng mga ito na pahalagahan ang kanilang pagka-Pilipino.

Ang ikalawa naman, pampublikong guro mula sa Cabanatuan na ginawang section ang pangalan ni EJ dahil nasa ilalim umano sila ng sports curriculum.

“I know that you will serve as inspiration to my student-athletes. Congrats!!! Para sa bayan!!!” saad pa ng guro.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I have long believed that there is more to pole vaulting than the sport itself. There is more to basketball than the game itself. Sport transcends sport and can be a nation-building tool,” pahayag ni EJ sa caption ng kaniyang post.

Sa comment section, naglatag si EJ ng impormasyon na nagpapakita umano ng kaugnayan ng sports sa nation building.

“Research has shown a strong correlation in Brazil between economic progress and the success of their national football team. The data also shows the sustained decade of economic acceleration of China’s economy following their success in hosting the 2008 Olympics.”

Dagdag pa niya: “Yes, sports can play a role in building a nation. Unifying a people. Creating a sense of national pride.”

Sinabi rin ni EJ na mahal niya umano ang Pilipinas. Kaya kahit nagkaroon ng sigalot sa pagitan niya at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) noong 2021, mas pinili pa rin niyang irepresenta ang Pilipinas sa kabila ng alok ng ibang mga bansa.

Sa huli, sinabi ni EJ na ang mga mensahe mula sa kaniyang mga kababayan ay higit pa sa mga medalya at “press stories”.

“Because of this, beyond the press stories and gold medals, chat messages like these from kababayans matter most to me. I am helping build a nation. And this matters most.”

https://twitter.com/ejobienapv/status/1709810092231856238

MAKI-BALITA: Sigalot nina Obiena at PATAFA chief Juico, handang silipin ng Senado

MAKI-BALITA: Unang gintong medalya ng Pilipinas, nakuha ni pole vaulter EJ Obiena sa Asian Games