Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa publiko tungkol sa mapanlinlang na Labas-Casa/Assume Balance/Loan Accommodation scheme na ang pangunahing target na biktima ay ang mga pampublikong guro.

Sa inilabas na pahayag ng DepEd nitong Biyernes, Oktubre 6, natuklasan umano ng ahensya sa tulong ng mga awtoridad na may 29 na kasong isinampa laban sa mga salarin ng nasabing scam na nag-ugat umano sa Pampanga ayon sa kasalukuyang imbestigasyon.

“The scheme involves enticing teachers with financial difficulties to apply for a car loan in exchange for a certain amount of cash, including the downpayment for the unit, and a promise of passive income in a transport network vehicle service (TNVS) as incentives if the loan is approved. Unknown to the victims, the perpetrators have connections to some car dealerships and bank employees who will facilitate a pre-arranged loan approval,” pahayag ng DepEd.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dagdag pa ng ahensya: “These perpetrators will then abandon their victims once mortgaged cars are turned over to them, giving the teachers more financial woes”.

Patuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng DepEd sa mga awtoridad upang mapanagot ang mga may-sala sa likod ng nasabing insidente at para maprotektahan ang mga guro mula sa mga mapansamantalang tao na gumagawa ng iligal. Kasalukuyang din umanong nagsasagawa ang ahensya ng “debriefing”, “counseling”, at “psychological first aid” para sa mga gurong nabiktima ng scam.

Sa huli, nagpaalala ang ahensya sa publiko na maging mapagmatyag sa mga manggagantso.

“To report similar or other incidents, please contact the DepEd Public Assistance and Action Center at 8636-1663 and 8633-1942 or email at [email protected].”