Nag-post ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno hinggil sa “pagkontra sa kapayapaan.”
“Sinumang boss na magbigay ng trabaho lampas 5pm ng Friday ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan.😅😅😅,” ani Diokno sa X (dating Twitter) nitong Biyernes, Oktubre 6.
Ibinahagi rin ni Diokno ang naturang pahayag sa kaniyang ">TikTok account nito ring Biyernes.
“Ano raw? 😜,” caption din ng human rights lawyer sa kaniyang TikTok post.
Ilang netizens naman ang nagsabi na tila “shade” daw ang naturang post ni Diokno sa naging pahayag kamakailan ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte hinggil sa pagdepensa nito sa confidential funds.
“Kung sino man ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan,” ani Duterte kamakailan.