
(PNA File Photo)
Walang lockdown vs Covid-19: Lahat ng ospital, fully operational -- DOH
Walang naka-lockdown na ospital na pinangangasiwaan ng Department of Health (DOH).
Ito ang paglilinaw ng DOH nitong Huwebes bilang tugon sa kumalat na balitang isang pasyente ang nakaratay sa isang ospital sa bansa matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Pagbibigay-diin ng DOH, fully operational ang lahat ng ospital na nasa ilalim ng ahensya.
"This message is false. No DOH hospital is currently implementing a lockdown and all DOH hospitals remain fully operational," anang ahensya.
Kaugnay nito, nanawagan ang DOH na maging maingat sa pagpapakalat ng impormasyon upang hindi maalarma ang publiko.
Sa datos ng DOH, umabot na sa 4,115,488 ang nahawaan ng Covid-19 sa buong bansa, kabilang ang 4,045,843 na nakarekober sa sakit, at 66,702 binawian ng buhay.
PNA