Umalma si dating Bayan Muna party-list Representative Teddy Casiño sa naging pag-aresto sa drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega.
Matatandaang inihayag ng Manila Police District (MPD) noong Miyerkules, Oktubre 4, na isang warrant of arrest ang inisyu laban kay Pura dahil umano sa “Immoral Doctrines,” “Obscene Publications” at “Exhibitions and Indecent Shows.”
“Sana ang ikulong ng pulis yung mga magnanakaw ng milyun-milyon sa kaban ng bayan, yung mga korap at abusadong opisyal, mga smuggler at hoarder, mga pumapatay at lumalabag sa karapatang pantao,” giit naman ni Casiño sa kaniyang X post.
Habang isinusulat ito’y nananatili pa rin umano sa kustodiya ng pulisya si Pura.
Matatandaang inihayag ng drag queen kamakailan na naniniwala siyang isang “inhustiya” ang nangyaring pag-aresto sa kaniya dahil hindi naman umano siya nakatanggap ng subpoena mula sa mga awtoridad sa Maynila.
Muli ring iginiit ni Pura na hindi raw krimen ang drag, at palagi raw siyang bukas para sa diskurso sa mga taong maaaring “na-offend” niya.
“But sana maintindihan nila na sa mata ng isang manlilikha o artist, it’s really just a form of storytelling. Drag is art. It’s not supposed to be a crime,” saad niya.
https://balita.net.ph/2023/10/05/pura-luka-vega-drag-is-art-its-not-supposed-to-be-a-crime/
Samantala, kamakailan lamang ay nagbigay rin ng reaction ang singer-songwriter na si Ice Siguerra sa naturang pagka-aresto kay Pura.
https://balita.net.ph/2023/10/06/ice-seguerra-nag-react-sa-pag-aresto-kay-pura-luka-vega/