Umalma si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel sa naging pagdepensa ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa confidential funds.

Matatandaang iginiit ni Duterte noong Miyerkules, Oktubre 4, na ang mga taong kumukontra sa confidential funds ay kumokontra umano sa kapayapaan.

“Kung sino man ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan,” saad ng bise presidente.

VP Sara: ‘Ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan’

Sinagot naman ito ni Manuel sa isang pahayag nitong Huwebes, Oktubre 5, at iginiit din na ang “national security” at “whole-of-nation” na umano ang “smokescreens ng korapsyon.

“Di totoong public servant ang mga opisyal kapag tinuturing nilang kalaban ang kababayang nagtatanong kung paano ginamit ang pera ng bayan,” saad din ni Manuel.

“Self-entitled attitude to public funds, and rhetorical responses to people's questions that demand concrete answers, only show that OVP and DepEd (along with other agencies) deserve to be stripped of confidential funds,” dagdag pa niya.

Matatandaan namang naging usap-usapan kamakailan ang naging paggastos umano ng Office of the Vice President (OVP) ng ₱125 milyong confidential funds nito noong 2022 sa loob ng 11 araw.

https://balita.net.ph/2023/09/25/%e2%82%b1125-m-confidential-funds-ng-ovp-ginastos-sa-loob-ng-11-araw-quimbo/