Nagbigay ng kontra-pahayag si Rendon Labador sa sinabi ni comedy genius Michael V. tungkol sa pagpapatawa.

Ayon kay Rendon, magkaiba umano ang “joke” sa mga kabastusan, kamanyakan, o kahayupan.

“Huwag na kayong magpalusot. Magkaiba ang ‘joke’ sa mga kabastusan, kamanyakan, o kahayupan. Huwag nating gamitin ang mga status natin para ipagpilitan na tama ang mga mali. #stayMotivated,” komento niya sa isang artikulo ng Balita na sinang-ayunan umano nina Vice Ganda at Joey de Leon ang naging pahayag ni Bitoy tungkol sa pagpapatawa. 

'New breed of comedians' ginawaran ng parangal ng FDCP

Kamakailan, ginawaran ng “Film Development Council of the Philippines” o FDCP bilang “New Breed of Comedians” kabilang sina Eugene Domingo, Ai Ai Delas Alas, Michael V, TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon), at Vice Ganda.

Sa speech kasi ni Bitoy sa nasabing pagtitipon, nabanggit niya na mahirap na umanong magpatawa sa kasalukuyan dahil umano sa mga restriksyong itinatakda ng nagbabagong lipunan. Pero iginiit niyang hindi umano magpapapigil ang mga totoong komedyante.

“We learn, we adopt, we persevere," sabi pa niya. 

Sinang-ayunan naman ito ng mga kapuwa niya komedyanteng gaya nina Vice Ganda at Joey De Leon. 

https://balita.net.ph/2023/10/05/mahirap-na-magpatawa-ngayon-joey-vice-ganda-aprub-sa-sinabi-ni-bitoy/

Matatandaang parehong nasangkot ang dalawang host sa kontrobersiya matapos ang “lubid joke” ni Joey sa E.A.T. at ang “indecent act” nina Vice at partner niyang si Ion Perez sa “It’s Showtime”.

https://balita.net.ph/2023/09/24/lala-sotto-muling-kinalampag-dahil-sa-lubid-na-banat-ni-joey-de-leon-sa-e-a-t/

https://balita.net.ph/2023/07/26/rendon-labador-sinita-sina-vice-ganda-ion-perez-huwag-sa-show-ng-mga-bata/