Sinibak sa pwesto ang pulis sa viral video na nagpahinto sa daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil dadaan daw ang isang “VIP.”
Sa isang pahayag nitong Huwebes, Oktubre 5, humingi ng paumanhin ang Quezon City Police District (QCPD) Police Station 14 sa naturang insidente.
“It appears that our policeman overreacted when he stopped the traffic for a few minutes, because of misleading information he overheard,” saad sa pahayag.
“Accordingly, Sgt Pantollano mistakenly heard the word VP hence, he decided to clear the traffic as a sign of courtesy and security, where in fact, based on records, VP Sara Duterte has no engagement in that particular area,” paliwanag din ng QCPD.
Sa kaparehong pahayag ay humingi rin daw ng tawad si PEMS Pantollano, ang pulis umano sa naturang video, dahil sa kaniyang nagawa.
“Ako po ay humihingi ng paumanhin sa aking maling nagawa. Patawarin nyo po ako, at akala ko po talaga may dadaan na VIP,” ani Pantallano.
Ayon naman kay PLtCol May Genio ng Station Commander PS 14, kung papanoorin daw ang video ay makikitang ang uploader lamang ang nagbanggit ng pangalan ni Duterte.
Samantala, sinibak na umano sa puwesto ang nasabing pulis at nakasailalim na rin daw ito sa imbestigasyon.
"I have ordered the relief of my policeman and put him under investigation to determine administrative liability for his actions. We assure the public that this incident will not happen again,” ani Genio.
Nauna nang naglabas ng pahayag ang Office of the Vice President upang itangging si Duterte ang nasa likod ng naturang pagpapahinto sa daloy ng trapiko.
?fbclid=IwAR1-FBXEmYd2Ej7k5HdcLiqRY-qD0-SaWHSbj1QLkZ4jz2EGf18Y3vGC4Eo#google_vignette