Nag-react si singer-songwriter Ice Seguerra sa nangyaring pagkaka-aresto sa drag queen na si Pura Luka Vega kaugnay ng kontrobersiyal na “Ama Namin” drag performance nito.
Matatandaang inihayag ng Manila Police District (MPD) noong Miyerkules, Oktubre 4, na isang warrant of arrest ang inisyu laban kay Pura dahil umano sa “Immoral Doctrines,” “Obscene Publications” at “Exhibitions and Indecent Shows.”
https://balita.net.ph/2023/10/04/pura-luka-vega-inaresto-sa-sta-cruz-manila/#google_vignette
Kinondena naman ito ni Ice sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 5.
“This only goes to show how archaic Philippine laws are. Madaling magsampa ng kaso sa isang taong naka ‘offend’ ng religious beliefs [ng] karamihan but meanwhile, wala pa ring karapatan sa mata ng batas ang mga LGBTQIA persons na tinatanggalan ng trabaho, sinasaktan, pinapatay na most often than not, ay dahil din sa religion,” ani Ice.
“Sa inyo, nung paniniwala ninyo ang tinamaan, grabe na kayo makaalma. Ang bilis niyong magsampa ng kaso. Kami, kabuhayan, karapatan, at dignidad ang inaalis ninyo sa amin pero ano, kibit-balikat lang at kailangan lang namin tanggapin at unawain?” dagdag pa niya.
Sa kaparehong post ay nagpaabot din ng panawagan si Ice sa mga mambabatas ng bansa.
“To our lawmakers, saan na ang sinasabi ninyong separation of church and state? Saan yung sinasabi niyong kaya kayo nandiyan ay para gumawa ng mga batas na pangkalahatan?” saad ni Ice.