Binati ng dating head coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes ang national team sa pagkapanalo nito laban sa Jordan sa 19th Asian Games men's basketball nitong Biyernes, Oktubre 6.
“YEEESSSS!!! GILAS WINS! GOLD! So, so proud of Coach Tim and the entire team,” saad niya sa kaniyang Instagram post.
Matatandaang nag-"step aside" bilang head coach ng Gilas Pilipinas si Reyes matapos ang laro ng national team sa 2023 FIBA Basketball World Cup noong nakaraang buwan.
Sinabi niya ang pahayag matapos manalo ng Gilas sa nasabing laro sa kauna-unahang pagkakataon, at nataon pang sa koponang kinatawan ng bansang China.
Maki-Balita: Chot Reyes handa nang mag-‘step aside’ bilang coach ng Gilas?
Pinalitan naman siya ng Barangay Ginebra head coach na si Tim Cone. Bago ito, nagpaalam muna umano si Cone kay Reyes bago tanggapin ang pagiging coach ng Gilas.
Maki-Balita: Cone, nagpaalam muna kay Chot Reyes bago tanggapin pagiging coach
View this post on Instagram
Samantala, matapos ang mahigit anim na dekada, nasungkit din ng Pilipinas ang pinaka-asam-asam na gintong medalya sa men’s basketball na ginanap sa Hangzhou, China.
Ito ay nang dispatsahin ng national team ang Jordan, 70-60.
Maki-Balita: Gilas Pilipinas, kumubra ng gold medal sa 19th Asian Games