Mainit na usap-usapan ngayon sa social media kung tama bang ginawang venue ng yoga session ang malawak na espasyo sa harapan ng pintang "Spolarium" ng pintor na si Juan Luna, sa loob ng National Museum of the Philippines sa Maynila.
Makikita mismo sa social media platforms ng NMP ang yoga session ng ilan sa harapan ng makasaysayang painting ni Juan Luna, na isa sa mga atraksiyon ng museo, sa National Museum of Fine Arts.
"Earlier today, the National Museum of the Philippines conducted the first of four sessions of ‘Yoga at the Museum’ at the Spoliarium Hall in the National Museum of Fine Arts," mababasa sa caption ng video ng yoga.
"18 participants joined the first session, entitled 'Halina (to come)'. The first session was a Vinyasa class taught by registered yoga instructor Allan Enriquez," dagdag pa.
Nagbigay naman ng komento ang mga netizen hinggil dito.
"Really? Juan Luna's masterpiece as backdrop?"
"Hala ang awkward naman neto huhu."
"Ano yan? That’s one of our oldest masterpiece. I cannot see the significance of doing yoga in a supposed controlled environment. Yung humidity content of the surrounding will definitely have an effect on The Spolarium. Your strict protocols run counter to the purpose of this event."
"Nagkulang na naman sa talino ang pasimuno nito. Hunghang kayo, wala kayong ni konting konsensya. Do you know the value and spirit of that painting tapos gagawin nyong gym at pawisan ang paligid. Ay ang tat*nga. What the...? Pwede siguro symposium or history class for a limited of 1 hour. Mga ano ito??? Dyusko kayo tuwad tuwad pa pwet sa kagalanggalangang lugar... anong..?"
"This is insensitive considering that the iconic painting of Juan Luna should remind us that our collective ancestors died in the hands of our colonizers, the museum's multipurpose activity lawn should've been a better choice for that..."
Kamakailan lang, naglabas ng panuntunan ang National Museum hinggil sa pagbibigay-galang sa mga likhang-sining na nasa loob ng museo, kabilang na ang pagkonsidera at pagtalima sa "dress code" kapag bumibisita rito.
Samantala, wala pang pormal na pahayag ang pamunuan ng National Museum hinggil dito. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.