Naantig ang damdamin ng mga netizen sa viral Facebook post ng gurong si Dennis F. Gerodias, 29 anyos mula sa Brgy. Dolho, Bato, Leyte matapos makatanggap ng simpleng "token of appreciation" mula sa isang Grade 1 Badjao learner, kaugnay ng pagdiriwang ng World Teachers' Day nitong araw ng Huwebes, Oktubre 5.

Mababasa sa viral FB post ni Teacher Dennis na nilapitan siya ng kaniyang Badjao learner na si John Bryan Sabrani, umagang-umaga bago magsimula ang kanilang klase.

Inabutan siya ng bulaklak nito bilang regalo raw para sa pagdiriwang ng araw ng mga guro. Ito raw ang regalo ng bata sa kaniya dahil wala raw itong perang pambili.

Dito ay humaplos na sa puso ni Teacher Dennis ang handog ni John Bryan, ngunit mas nadagdagan pa ito nang mapag-alaman niya ang dahilan kung bakit wala itong suot na tsinelas.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

"This morning, one of my students, a Badjao, approached me and said, 'Sir, I don't have a gift for you today because we don't have money, but I picked flowers to give to you, sir." I noticed that he didn't have slippers or shoes, so I asked him, 'Why don't you have slippers?' He replied, 'I was in a hurry, sir, so I wouldn't be late for class to give this to you.' (Almost every day, I always noticed this child going to school barefoot.)," aniya.

"That time, I didn't know, but my tears fell knowing the child's initiative just to give me flowers. This might be the most beautiful way to start my day. The type of gift doesn't matter; what's more important is the effort the child made to express his love for his teacher."

"Nag-expect na lang jd ko nga walay madawat from the kids, but the Grade 1 learners really prepared something for me. However, this one (my Badjao learner) is really worth sharing. 💙."

"They are the reason why I prefer to teach. They are the reason why I would willingly sacrifice time, energy, and money just to provide them with the knowledge they deserve. Despite the hardships and struggles of my chosen path, I still love my students dearly and my teaching profession . Happy Teachers' Day to all."

Pangako naman ng guro, "PS: If I have money soon, I will buy them slippers or shoes that they can use for school. Saon wala paman jd tawn huhu, basin muabot ra. Grasyahe intawn ko Lord hehehe."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Teacher Dennis na nagtuturo sa Grade 1 ng Dolho Elementary School, isa raw talaga si John Bryan sa masisigasig niyang mag-aaral.

May mensahe naman siya sa mga kapwa guro ngayong World Teacher's Day.

"Educators, Let us keep our passion burning despite of the hardships and struggles. Nawa'y maging inspirasyon po natin yung mga bata upang magpatuloy sa pagtuturo."

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 5.6k likes, 1.9k shares, at 215 comments ang kaniyang viral FB post.

Happy World Teachers' Day, Teacher Dennis!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!