Nagbigay ng pahayag ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, hinggil sa naging pag-aresto sa kaniya sa Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkules, Oktubre 4.

Matatandaang inihayag ng Manila Police District (MPD) nitong Miyerkules na isang warrant of arrest ang inisyu laban kay Pura dahil umano sa “Immoral Doctrines,” “Obscene Publications” at “Exhibitions and Indecent Shows.”

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila

Sa panayam naman ng Manila Bulletin, sinabi ni Pura na naniniwala siyang isang “inhustiya” ang nangyaring pag-aresto sa kaniya dahil hindi naman umano siya nakatanggap ng subpoena mula sa mga awtoridad sa Maynila. 

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, wala pa raw nakukuhang abiso sa isinampang kaso ng Hijos Del Nazareno

Ito ay kaugnay ng isinampang kaso ng grupo ng mga deboto ng Itim na Nazareno na Hijos Del Nazareno (HDN) Central.

MAKI-BALITA: Mga deboto ng Itim na Nazareno, nagsampa ng kaso vs Pura Luka Vega

“Never naman akong umurong sa mga kaso na ito. Kung kailangan na nandoon, pumupunta talaga ako kasi I needed to explain din my side,” saad ni Pura.

Muli ring iginiit ni Pura na hindi raw krimen ang drag, at palagi raw siyang bukas para sa diskurso sa mga taong maaaring “na-offend” niya.

“But sana maintindihan nila na sa mata ng isang manlilikha o artist, it’s really just a form of storytelling. Drag is art. It’s not supposed to be a crime,” saad niya.

Samantala, inihayag din ng drag queen na hinahanda na raw ngayon ng kaniyang abogado ang mga legal na hakbang bilang tugon sa mga kasong isinampa laban sa kaniya, maging ang mga pagdeklara sa kaniyang persona non grata ng mahigit 20 mga lugar sa bansa dahil sa kaniyang naging “Ama Namin” drag performance.

MAKI-BALITA: Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega

Bukod naman sa isinampang kaso ng HDN, sinampahan din ng kaso si Pura kamakailan ng religious group na “Philippines for Jesus Movement” sa Quezon City Prosecutor’s Office.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega kinasuhan dahil sa ‘Ama Namin’

Kaugnay nito, humarap kamakailan si Pura sa Hall of Justice sa Quezon City.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega: ‘Amidst all the challenges, I remind myself to be kind’