Sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day ngayong Huwebes, Oktubre 5, binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga guro, at nangakong uunahin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga ito.
Sa pamamagitan ng isang post sa kaniyang opisyal na Facebook page, binati ni Marcos ang mga guro ng bansa ng happy World Teachers’ Day.
“Happy World Teacher's Day to our educators, to whom our nation owes an immeasurable debt,” mensahe ni Marcos sa mga guro.
“We recognize your sacrifices for our youth and assure you that we will prioritize your welfare and that of your families,” saad pa niya.
Matatandaang naglunsad ang Malacañang noong Oktubre 1 ng ‘Konsyerto sa Palasyo’ (KSP) bilang alay umano sa mga guro sa pagdiriwang ng bansa ng National Teachers’ Month.
Personal ding dumalo sa naturang konsyerto si Marcos maging si Vice President Sara Duterte.
“As we thank you for all that you do, we also continue to work harder to improve your lives. The Marcos-Duterte administration will remain hard at work in addressing the needs of our schools, our teachers, and our students,” saad din ni Marcos sa isa niyang Facebook post kamakailan.
https://balita.net.ph/2023/10/02/pbbm-sa-mga-guro-we-continue-to-work-harder-to-improve-your-lives/
Mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 kada taon ipinagdiriwang ng Pilipinas ang National Teachers’ Month, alinsunod sa Proclamation No. 242 na inisyu noong 2011.
Layon din umano ng naturang pagdiriwang na suportahan ang World Teachers’ Day na ginaganap naman tuwing Oktubre 5 kada taon.