Isa si dating Senador Kiko Pangilinan sa mga bumati sa mga guro ngayong #WorldTeachersDay.
Sa kaniyang X post nitong Huwebes, nagpasalamat si Pangilinan sa mga gurong tumatayo bilang pangalawang magulang sa mga bata.
https://twitter.com/kikopangilinan/status/1709825879327793207
“Maraming salamat sa ating mga guro na tumatayong pangalawang magulang ng ating mga anak, at gumabay sa atin para marating kung saan tayo narito ngayon,” anang dating senador.
“Nawa’y tapatan natin ang kanilang serbisyo ng nararapat na suporta,” dagdag pa niya.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Pangilinan ang isang larawan patungkol sa mga guro.
“Pangalawang magulang, huwaran, at taga-rah-rah ang ating mga guro. Hinuhubog nila tayong maging gutom sa kaalaman at kahusayan habambuhay. Nagbibigay-inspirasyon sila sa halaga ng pagkakaroon ng malasakit, pagiging isang mabuting tao, pagsusumikap, at paninindigan.
“Ngayong World Teachers’ Day, hangad natin sa mga guro ang mas maayos na pamumuhay kaysa nung huli natin silang nakasama,” ayon sa nakasulat sa larawan.
Samantala, kaugnay sa World Teachers’ Day, binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga guro, at nangakong uunahin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga ito.
Maki-Balita: PBBM sa mga guro: ‘We will prioritize your welfare’