Sang-ayon si "E.A.T." host-comedian Joey De Leon sa naging pahayag ng co-awardee na si Michael V o "Bitoy" nang tanggapin nito ang pagkilala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa kanila bilang "new breeds of comedians" na nag-ambag sa larang ng komedya at pagpapatawa lalo na sa pelikula.
Isa ang TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon) sa mga nabigyan ng parangal na ito, kabilang pa nga sina Bitoy. Eugene Domingo, Ai Ai Delas Alas, at Vice Ganda.
Ayon sa X post ni Joey noong Oktubre 1, "Mahirap na ngayon magpatawa. Marami na ngayong namumuna. Tingin nila mas magaling sila. Sila ang dapat narito pala. Eh ano ang tawag sa kanila? Kung sa lugar mo ay ang tagal mo na? Mas kwela sila palagay nila. Ayun...inggitero at inggitera."
https://twitter.com/AngPoetNyo/status/1708385517543563337?ref_src=twsrc%5Egoogle%7Ctwcamp%5Eserp%7Ctwgr%5Etweet
Matatandaang kamakailan lamang ay nalagay sa alanganin si Joey nang magbitiw siya ng biro tungkol sa "lubid," sa segment na "Gimme 5" sa kanilang noontime program.
Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) tungkol dito.
Sa kaniyang acceptance speech naman sa "It's Showtime," sumang-ayon din si Vice sa mga tinuran ni Bitoy. Hindi kasi nakadalo nang personal ang award-winning TV host-komedyante sa gabi ng parangal, kaya ginawa niya ang pagpapasalamat sa kanilang kontrobersyal na noontime show.
Samantala, narito naman ang sinang-ayunang pahayag nina Joey at Vice Ganda mula sa acceptance speech ni Bitoy:
"Every year, every generation, mas nagiging mahirap magpatawa. We get more and more restrictions when making jokes and punchlines.
"Nowadays hindi ka na pwedeng mag joke sa superhero na African-American, na bading, na suicidal na pulis, na may kapansanan."
"Kahit na ang punchline mo ay walang kinalaman sa race, sa gender, sa mental at sa physical health ng isang tao, yun at yun ang pupunahin ng mga netizens na mga dalubhasa na ngayon."
"It takes a certain level of intelligence to come up with a very entertaining punchline but a very shallow level of opinionated ignorance to destroy."
"It turns out comedy is less universal than before. What's funny to some may not be funny to others anymore."
"Pero ang totoong komedyante at hindi magpapapigil. We learn, we adopt, we persevere."
MAKI-BALITA: ‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP