Isa pang gintong medalya ang nahablot ng Pilipinas sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China nitong Huwebes.

Ito ay nang magreyna si Jiu-jitsu fighter Margarita Ochoa sa Women's -48kg category laban kay Balqees Abdulla ng United Arab Emirates (UAE).

Bago pa marating ang naturang tagumpay, tinalo muna ni Ochoa sina Odgerel Batbayar (Mongolia), at Nazgul Rakhayeva (Kazakhstan) sa quarterfinals, at Pechrada Kacie Tan (Thailand) sa semifinals.

Ang unang gold medal ng Pilipinas ay naiuwi ni pole vaulter EJ Obiena kamakailan.

VP Sara may sagot sa umano'y impeachment niya: 'If I get impeached, that's it!'

Kumubra na ng 12 na medalya ang Pilipinas, kabilang ang isang silver at siyam na bronze.