Nagbunyi hindi lamang ang basketball fans kundi maging ang sambayanang Pilipino nang padapain ng koponang "Gilas Pilipinas" ang koponan ng China sa score na 77-76, sa 19th Asian Games sa Hangzhou nitong Miyerkules ng gabi.

Matapos kasi ang 33 taon, pumasok na muli ang Gilas Pilipinas sa Asian Games gold medal match matapos sipain ang powerhouse na China, na isang puntos na lamang ang pagitan.

Nasa 13 ang lamang ng China, 48-30, matapos ang first half matapos ang pinakawalang 29 points.

Gayunman, biglang nagbago ang sitwasyon sa pagpasok ng third quarter matapos rumatsada ng 13 ang Gilas sa pangunguna ni Justin Brownlee laban sa pito ng China.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagtuloy-tuloy ang solidong performance ni Brownlee hanggang last quarter, tampok ang tatlong tres nito, bukod pa ang buslo ni Kevin Alas, kaya naging apat na lang ang bentahe ng China, 67-71.

Naging walo pa ang kalamangan ng China, 75-67, kasunod ng basket nina Du Runwang at Hu Jinqui, mahigit tatlong minuto na lamang sa orasan.

Paubos na ang oras nang pumasok pa ang tres ni Brownlee na nagbigay sa kanila ng bentahe, 77-76, hanggang sa maiuwi nila ang panalo.

Kumubra ng 33 points si Brownlee, bukod pa ang limang rebounds at apat na assists.

Napahugot naman ang mga Pinoy sa pagkapanalo ng koponan sa China at naiugnay ito sa usapin ng West Philippine Sea.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Wow, atin ang West PH Sea!"

"Monumental and symbolic win! Kaya natin!"

"Sana sa WPS din hahaha."

"Atin ang West Philippine Sea!"

"Nakakapangilabot. Yung akala mo dehado na, kakambyo lang pala! Pati sa WPS din sana!"

Sa panalo ng Gilas, makakalaban ng National team ang Jordan sa finals habang mag-aagawan naman sa bronze medal ang China at Chinese Taipei, sa darating na Biyernes, Oktubre 6.

MAKI-BALITA: China, talo sa Gilas Pilipinas

MAKI-BALITA: DFA sa China: ‘Igalang ang karapatan ng ‘Pinas sa West Philippine Sea’