Trending topic ngayon sa X (dating Twitter) ang #FreePuraLukaVega matapos arestuhin ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, nitong Miyerkules ng gabi, Oktrubre 4.
Matatandaang inihayag ng Manila Police District (MPD) nitong Miyerkules na isang warrant of arrest ang inisyu laban kay Pura dahil umano sa “Immoral Doctrines,” “Obscene Publications” at “Exhibitions and Indecent Shows.
MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila
Makikita sa loob ng nasabing hashtag ang reaksyon ng mga netizen hinggil sa pagkakaaresto kay Pura. May mga dumidipensa at sumusuporta sa drag queen at nagsasabing “drag is not a crime.”
“Hindi ako makapag focus sa work kanina dahil sa work peri Tangina niyo napakabait na tao ni Luka! Siya ang unang tao na nameet ko nung first time kong mag club at super fan ako nyang taong yan! Inspirasyon yan sa mga gustong mag DRAG!”
“Law in the Philippines, the Government of the Philippines and the religious group of the Philippines ay isang malaking mga hipokrito!!! Kayo unang lumalabag sa mga kautusan nyo kayo din mismo ang mga gumagawa ng mali.”
“This is not just an attack on the LGBTQ+ community; it is also an assault on democratic principles & Universal Human Rights. The freedom of expression, freedom of assembly, non-discrimination the right to a fair trial, & the freedom of belief.”
“Di ko gusto yung ginawa niya but this is too much”
“DRAG IS ART! DRAG IS NOT A CRIME!”
“It has taken an arrest for more voices to be raised and let's not allow injustice to silence us. Let's continue to insist to be heard and allow more voices to join our cry for justice. It's not just an attack to one person, it's injustice against our community!”
“I'm Catholic,but I think na umabot pa sa ganto yung nangyari Kay Pura Luka is sobra na,Yes siguro maraming na ano sa ginawa nya but sobra na talaga to na umabot sa pag aarest sakanya marami din Naman gumagawa ng ginawa nya bakit di nyo hinuli?”
“I'm not big into drag (as of yet) but I would like to extend my support to Pura Luka Vega. Their arrest is unjust and unnecessary.”
“we are united against sa karantaduhan ng gobyerno at simbahan. Fear us. We will be fighting for our rights at matatapos rin ang baluktot na impluwensiya niyo sa society.”
“The justice system of our country is shit, literally lantaran ang corruption na ginawa ni Sara Duterte pero hindi pa makulong kulong? Magnanakaw ang totoong kalaban ng bansa at hindi si Pura Luka!”
Samantala, sa panayam naman ng Manila Bulletin, sinabi ni Pura na naniniwala siyang isang “inhustiya” ang nangyaring pag-aresto sa kaniya dahil hindi naman umano siya nakatanggap ng subpoena mula sa mga awtoridad sa Maynila.
MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, wala pa raw nakukuhang abiso sa isinampang kaso ng Hijos Del Nazareno
Ito ay kaugnay ng isinampang kaso ng grupo ng mga deboto ng Itim na Nazareno na Hijos Del Nazareno (HDN) Central.
MAKI-BALITA: Mga deboto ng Itim na Nazareno, nagsampa ng kaso vs Pura Luka Vega