Bulkang Mayon, nakapagtala pa ng 30 pagyanig
Tatlumpung pagyanig ang naramdaman sa paligid ng Bulkang Mayon sa nakaraang pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa 24-hour monitoring ng Phivolcs, 127 beses ding nagbuga ng mga bato ang bulkan.
Naitala rin ang 2.8 kilometrong lava flow ng bulkan sa Mi-isi Gully, 3.4 kilometro naman sa Bonga Gully at 1.1 kilometro sa Basud Gully.
Paliwanag ng Phivolcs, nagbuga pa ng 1,838 tonelada ng sulfur dioxide ang Mayon Volcano nitong Miyerkules, Oktubre 4.
Nakitaan din ng ground deformation ang bulkan na senyales ng patuloy na pag-aalburoto nito.
Panawagan pa ng Phivolcs, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagputok nito.