Mukhang masaya naman ang direktor-aktor na si Joel Lamangan sa pahiwatig na tumatatak sa mga manonood ang pagganap bilang "Roda" sa patok na seryeng "FPJ's Batang Quiapo" dahil nakakaranas na raw siya ng "pambabato" ng kaniyang bahay.

Kuwento ni Joel sa panayam ng press sa preview ng "Lola Magdalena" noong Martes, Oktubre 3, 2023, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City na napaulat din ng PEP, binabato raw ng mga batang naglalaro sa kanilang kalsada sa tinitirhan ang kaniyang bahay, dahil naiinis sa kaniyang karakter bilang Roda.

Pero kapag tinawag na raw niya ang mga bata at pinalapit ay nagmamano naman ang mga ito sa kaniya.

In fairness ay dumami raw ang acting offers sa direktor dahil sa kaniyang mataray na portrayal kay Roda, na laging katalakan nina Marites (Cherry Pie Picache) at Tindeng (Charo Santos-Concio) sa serye.

Eleksyon

De Lima, suportado si ex-COA commissioner Mendoza bilang senador

Pero tumatanggi na raw siya dahil sa ngayon, sa Batang Quiapo siya naka-commit, at ayaw na rin niyang gawin sa iba ang role na "baklang mataray" o "matandang binatang bakla pala."

Bago pa man maging direktor ay mahusay na aktor naman na talaga si Direk Joel noon pa man.

Nang matanong kung tsutsugihin na raw ang karakter niya sa serye, mukhang hindi pa dahil mataas daw ang rating na nakukuha ng mga eksena kapag naroon siya.