₱860.9M fuel subsidy, ipamamahagi sa higit 132,000 benepisyaryo -- LTFRB
Nasa ₱860,977,500 fuel subsidy ang inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang mapakinabangan ng mahigit 132,000 operators ng mga public utility vehicle (PUV) sa bansa.
Sa pahayag ng LTFRB, ang nasabing pondo ay ibinigay na nila sa Landbank of the Philippines (LBP) upang ipamahagi sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng Fuel Subsidy Program ng Department of Transportation (DOTr), kaagapay ang kanilang ahensya.
Kaugnay nito, nakatanggap na ng subsidiya ang 92,755 yunit ng pampublikong sasakyan sa buong bansa.
Layunin ng ahensya na matulungan ang mga operator at tsuper sa gastusin bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ipamamahagi ng subsidiya sa pamamagitan ng digital banking, e-wallet at fuel subsidy cards.