Sumalang sa panayam si “Pambansang Krung Krung” at South Korean star Sandara Park sa vlog “Luis Listens” ni Luis Manzano nitong Martes, Oktubre 3.

Isa sa mga naitanong ni Luis kay Sandara ay ang most challenging moment niya sa Star Circle Quest, isang reality-based talent competition na naglalayong bigyan ng oportunidad ang mga nagsisimulang artista ng "Star Circle" (Star Magic ngayon) noong 2004, katapat ng "StarStruck" nina Mark Heras, Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, at Jennylyn Mercado.

“Challenging moment ko noong pinapagalitan ako nina Tito Boy. Wala daw akong talent. Bumili daw akong botox. E, wala akong alam. Wala akong pera noong time na ‘yun… ‘Yun ‘yong time na sinasabi ko lagi sa camera ‘I want to go home’,” kuwento ni Sandara.

“Pero seryoso ka noon? Kumbaga there was a point sa Star Circle Quest na gusto mo na talagang umuwi?” tanong ulit ni Luis.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“Actually, all the time,” sagot ni Sandara, “Kasi sa lahat ng episode parang ako ‘yung, yeah, last one. And parang no one think na magaling ako, marunong ako umarte or kumanta.”

Samantala, ang best moment naman umano para kay Sandara ay noong kumanta siya ng “Spaghetting Pababa” sa finals ng Star Circle Quest.

“Lahat ng crowd na nasa Araneta, they were cheering for me,” saad pa niya.

Nabanggit din ni Sandara sa nasabing vlog ang dahilan kung bakit siya kasalukuyang nasa PIlipinas. Nag-guest umano siya sa concert ng kaibigang si BamBam na miyembro ng grupong Got7.

Naging bahagi si Dara ng all-female group na "2NE1."

MAKI-BALITA: Sandara Park may ‘reklamo’ sa ABS-CBN – Balita

Matatandaang nag-guest din si Sandara kamakailan sa noontime show na “It’s Showtime”.