Inaresto ng Manila Police District (MPD) ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, mas kilala bilang Pura Luka Vega, nitong Miyerkules, Oktubre 4, kaugnay ng “Ama Namin” drag performance nito.

Ayon sa MPD, inaresto si Pura sa bahay nito sa Hizon Street, Barangay 339, Sta. Cruz, Manila dakong 4:10 ng hapon nitong Miyerkules. 

Isang warrant of arrest umano ang inisyu ni Hon. Czarina Villanueva, presiding judge ng Manila- Regional Trial Court (RTC) Branch 36, dahil umano sa "Immoral Doctrines," "Obscene Publications" at "Exhibitions and Indecent Shows."

Maaari naman daw magpiyansa ng P72,000 si Pura, na kasalukuyan umanong nasa MPD Sta. Cruz police station.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang Agosto 17 nang maghain ang mga miyembro ng Hijos Del Nazareno (HDN) Central ng reklamo laban kay Pura.

MAKI-BALITA: Mga deboto ng Itim na Nazareno, nagsampa ng kaso vs Pura Luka Vega

Inihayag naman kamakailan ni Pura na wala siyang nakukuhang abiso hinggil sa isinampang kaso ng mga miyembro ng HDN, kaya umano hindi siya nakakadalo sa mga pagdinig.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, wala pa raw nakukuhang abiso sa isinampang kaso ng Hijos Del Nazareno

Nauna nang sinampahan ng kaso si Pura ng ilang religious group na "Philippines for Jesus Movement" sa Quezon City Prosecutor's Office.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega kinasuhan dahil sa ‘Ama Namin’

Kaugnay nito, humarap kamakailan si Pura sa Hall of Justice sa Quezon City.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega: ‘Amidst all the challenges, I remind myself to be kind’

Bukod naman sa kinahaharap na mga kaso ni Pura, mahigit 20 mga lugar na rin sa bansa ang nagdeklara ng persona non grata laban sa kaniya kaugnay pa rin ng nasabing Ama Namin drag performance.

MAKI-BALITA: Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega

“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” saad naman ni Pura kamakailan hinggil sa pagkaka-persona non grata sa kaniya.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, nag-react sa halos sunod-sunod na pagka-persona non grata