Parehong nagsampa ng kaso ang Kapuso couple na sina Paul Salas at Mikee Quintos kasama ang iba pa matapos daw maloko sa isang "crypto investment scam" ng ilang mga pinagkatiwalaang personalidad.

Sa ulat ng GMA News via "24 Oras," sama-samang nagsampa ng "syndicated estafa" case sina Paul, Mikee at iba pa sa piskalya ng Makati City matapos silang matangayan ng aabot sa walong milyong piso.

Limang personalidad mula sa "Cronus Holdings Corporations" ang sinampahan ng reklamo ng Kapuso couple at iba pa.

Kuwento ni Mikee, noong una raw ay may "return of investment" naman makalipas ang isang taong pamumuhunan dito subalit nang muli silang aluking mag-invest, hindi na raw nagparamdam sa kanila ang mga kinasuhang personalidad. 10% compounding interest daw ang unang inalok sa kanila.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Pinangakuan daw sila na dodoblehin ang kanilang kita sa loob lamang ng dalawang linggo.

Hindi na raw mahagilap ng GMA News Team ang mga personalidad na inirereklamo nina Mikee at Paul.

Lesson learned daw sa dalawa, huwag masyadong magtiwala sa "To Good To Be True" na mga alok, at pag-isipan daw ang mga investment na papasukin.