Buong pusong nagpasalamat kamakailan si Unkabogable Star Vice Ganda sa pamunuan ng Film Development Council of the Philippines o FDCP nang parangalan siya bilang isa sa mga "new breed of comedians" kasama nina Eugene Domingo, Ai Ai Delas Alas, Michael V, at TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon).

Bukod kasi sa pagkilala sa kaniya bilang isa sa mga mahuhusay na komedyante ng bansa at nagdala ng "comedy bar-style" na pagpapatawa sa pelikula, kinilala rin ang box-office movies ng Unkabogable Star na nagsimula nang gawin niya ang remake ng pelikulang "Petrang Kabayo" sa direksyon ng yumaong Wenn Deramas.

Kaya naman, dinedicate at habambuhay raw siyang magpapasalamat kay Direk Wenn dahil dito.

Ayon kay Vice, maraming nagsasabing "pangit" at "basura" daw ang mga pelikula niya, subalit taas-noong ibinibida niya na ito ay tinangkilik ng mga Pilipinong nais sumaya at "tumakas" sa kanilang kinahaharap na problema sa buhay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Maraming nagsasabi na ang papangit ng pelikula ko, ang babasura ng pelikula ko. Pero ang ipinagmamalaki ko, sa mga panahong bagsak na bagsak ang mga Pilipino, at parang nawawalan na sila ng pag-asa, at sa mga panahong malungkot na malungkot sila, masayang-masaya ako na kaya maraming nanood ng pelikula, dahil 'yong mga pelikula ko ang ginagawang pangtakas ng napakaraming Pilipino," aniya sa kaniyang pasasalamat moment sa "It's Showtime."

Dagdag pa niya, "Sa mga taong gusto nilang maiyak pero manonood na lang sila para makatawid at makatakas sa bigat na nararamamdaman nila, feeling ko 'yon ang essence ng pelikulang nagawa ko. Kayang maraming, maraming salamat po."

Hindi kasi nakadalo sa awards night at tanging kinatawan ng Star Cinema ang tumanggap ng kaniyang tropeo.

Matatandaang sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio sa isang panayam na "walang kuwenta" raw ang mga pelikula ng award-winning comedian/TV host.

MAKI-BALITA: ‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP