Itinaas na ang Signal No. 3 sa Itbayat, Batanes nitong Martes ng gabi, Oktubre 3, dahil sa Typhoon Jenny, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng gabi, huling namataan ang sentro ng Typhoon Jenny 305 kilometro ang layo sa East Northeast ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour at pagbugsong 190 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pa-north northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.

Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 3 ang Itbayat Batanes. 

Paslit na magkakapatid na sakay ng tricycle, patay sa bangga ng truck

Nakataas naman ang Signal No. 2 sa mga natitirang bahagi ng Batanes.

Samantala, nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands  
  • Northern portion ng Isabela (?????????, ??? ?????, ????? ?????, ?????????)
  • Apayao
  • Northeastern portion ng Abra (?????, ?????, ?????????)
  • Northern portion ng Kalinga (?????, ????????, ????????)
  •  Ilocos Norte

Patuloy rin umanong palalakasin ng Typhoon Jenny ang southwest monsoon o habagat, na posible namang magdala ng ilang mga pag-ulan sa kankurang bahagi ng Luzon sa susunod na tatlong araw.

Inaasahan naman umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng tanghali o gabi, Oktubre 5.