Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Masbate nitong Martes ng umaga, Setyembre Oktubre 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:30 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Batuan, Masbate, na may lalim na 14 kilometro.
Naramdaman ang Intensity V sa City of Masbate, at Milagros, Masbate, habang Intensity IV sa San Fernando, Masbate.
Itinaas naman ang Intensity III sa City of Legazpi, Albay, at sa Palanas, Masbate, habang Intensity II sa Irosin, Sorsogon.
Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V - City of Masbate, at Milagros, Masbate
Intensity IV - Aroroy, at Monreal, Masbate
Intensity III - City of Legazpi, at City of Tabaco, Albay; Batuan, Masbate; Bulusan,
at Donsol, Sorsogon
Intensity I - Kawayan, Biliran
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.