Pinayuhan ni Manay Lolit Solis ang “It’s Showtime” host na si Ryan Bang na maghinay-hinay lang sa mga banat para raw hindi madamay sa mga isyu lalo’t mainit daw ang mga mata ng tao ngayon kina Vice Ganda at Ion Perez.

Sa isang Instagram post kamakailan, binanggit ni Lolit na buti raw ay nag-sorry si Ryan sa isa sa GMA bosses. Ang pinatutungkulan niya rito ay si GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang noong Agosto sa kaniyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi ni Ryan na gusto niyang maging leading lady si Gozon-Valdes sakaling magkaroon ito ng proyekto sa GMA Network.

Maki-Balita: Ryan Bang bet maging leading lady si GMA exec Annette Gozon-Valdes

Sa pagbisita ng ilang GMA Network executives sa It’s Showtime noong Setyembre. nabigyan ng pagkakataon si Ryan na mag-sorry kay Atty. Annette.

Maki-Balita: Ryan Bang nag-sorry kay Annette Gozon: ‘Pasensya na po boss’

“Buti naman nag sorry si Ryan Bang sa mga bossing ng GMA Salve. Lalo pa nga at taga ibang bansa siya kaya mas dapat na siya ang nag aadjust sa lahat para hindi siya magmukhang antipatiko,” saad ni Lolit.

“Hindi maganda para kay Ryan Bang ang madalas na nasasali siya sa intriga. Dapat hinay hinay lang siya para hindi siya nadadamay lalo pa nga ngayon na mainit ang mga mata kay Vice Ganda at Ion. Dapat iwasan niyang masali para hindi siya maging antipatiko,” dagdag pa niya.

Dapat daw ay i-maintain daw ni Ryan ang cute at hindi intriguing ang one liner nitong banat at huwag daw makipagsabayan kay Vice Ganda.

“Type ko pa naman si Ryan Bang kasi cute mga one liner niya. Dapat ganuon lang ang ginagawa niya, maintain niya mga cute at hindi intriguing na one liner para hindi siya sumasabit. Huwag na makipag sabayan kay Vice Ganda. Hayaan na siya sa mga pakulo niya tutal mukha naman carry niya ito,” anang talent manager.

Sa huli, ang payo niya sa aktor ay huwag nang makisali sa gulo para hindi masuspinde.

“Basta cool ka lang Ryan Bang, huwag ng sali sa gulo para hindi ma suspinde. Mas mabuti ng meron show kesa wala, at mas masakit kung suspended. Sayang suweldo, bongga.”