₱23/kilo ng palay, alok sa mga magsasaka -- NFA
Nasa ₱23 kada kilo ng palay ang iniaalok ng National Food Authority (NFA) sa mga magsasaka.
Ang hakbang ng NFA ay alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na taasan ang pagbili ng palay upang kumita ang mga magsasaka.
Layunin din nitong mapagaan sa mga magsasaka ang epekto ng price ceiling sa bigas.
Sa ipinatutupad na hakbang ng NFA, bibilhin nila ng ₱23 kada kilo ang tuyong palay at ₱19 naman sa basa o bagong ani.
Nilinaw naman ni NFA administrator Roderico Bioco, aabot sa 267 buying stations ng ahensya sa buong bansa.