Hinandugan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng ₱1,000,000 halaga na cheke ang ‘A home of the Angels Crisis Home for the Abandoned Babies Foundation Inc.’

Sa kalatas ng PCSO nitong Lunes, nabatid na Setyembre 27, 2023 nang ganapin ang turn over ceremony sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City sa pangunguna ni General Manager Melquiades A. Robles.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nabatid na ang A Home of the Angels Crisis Home for the Abandoned Babies Foundation Inc. ay isang non-profit organization na nagbibigay ng aruga at nangangalaga sa mga sanggol na inabanduna ng kanilang pamilya.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Ginang Beng Atienza, ang co-founder ng organisasyon, na adhikain nila ang magligtas ng mga inabandunang sanggol.

Aniya, “Our mission is to save, make sure na lahat ng abandoned babies ay maililigtas, so we offered a home where we can really take good care of them. Hopefully someday they would get adopted by kind people and families.”

Batay sa kanilang datos, sa loob ng 28 taon ay umabot na sa halos 800 na sanggol ang kanilang natulungan.

Nagpahayag din sila ng lubos na pasasalamat sa PCSO sa pagbibigay ng tulong para sa mga sanggol upang matugunan ng organisasyon ang mga pangangailangan ng mga munting anghel.