Nasa 50,000 pang family food packs (FFPs) ang ipadadala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa Facebook post ng DSWD, umabot na sa 9,000 FFPs mula sa National Resource and Logistics Management Bureau ng ahensya ang ipinadala na sa bodega ng DSWD-Region V sa Barangay Bogtong, Legazpi City, Albay nitong Setyembre 27.

Binigyang-diin ng DSWD, bahagi lamang ito ng augmentation support ng ahensya sa mga apektado ng volcanic eruption ng Mayon at iba pang sakuna sa rehiyon.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Matatandaang nangako si DSWD Secretary Rex Gatchalian na hindi nila ititigil ang pagtulong sa mga residente hangga't hindi pa tumitigil ang pag-aalboroto ng bulkan.

Nitong Setyembre 29, muling binalaan ng mga awtoridad ang publiko na bawal pa ring pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa banta ng pagragasa ng lava at pyroclastic density currents (PDC).