Iniutos ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II na magpakalat pa ng mga tauhang huhuli sa mga pasaway na motorista sa EDSA busway.

“Nagiging bisyo na ng ilang abusadong motorista ang paggamit ng EDSA Bus Carousel. We recognize the limited manpower of the MMDA to strictly enforce and while the LTO has the same problem, we will tap some of our enforcers to reinforce our brothers in the MMDA in keeping an eye on the EDSA Bus Carousel,” ani Mendoza.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

“Tinitiyak din natin ang agarang aksyon ng inyong LTO upang maparusahan ang mga mahuhuling motorista na gagamit ng EDSA Bus Carousel,” anang opisyal.

Matatandaang ilang beses nang binalaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga pribadong sasakyan na iwasang dumaan sa EDSA Bus Carousel lane dahil para lamang ito sa emergency response katulad ng ambulansya, fire truck at police car.

Kaugnay nito, ipinag-utos din ni Mendoza sa LTO-National Capital Region (NCR) na tukuyin ang operator at driver ng isang taxi na humarang sa mga bus sa gitna ng pagbaha sa harapan ng Camp Aguinaldo Gate 3 sa Quezon City nitong Setyembre 23.