Nagbigay ng update si “Queen of All Media” Kris Aquino sa kaniyang Instagram account nitong Lunes, Oktubre 2, kaugnay sa kasalukuyang lagay ng kaniyang kalusugan.

“THANK YOU for your continued PRAYERS, i don’t have my complete blood panel results yet BUT GUMANDA my inflammatory numbers in particular my C-reactive protein and my E-sedimentation rate. Hopefully in the next few days i’ll have my IgE, IgG, IgM and ANA results,” pahayag ni Kris sa caption ng kaniyang post.

Pero ayon kay Kris, anemic pa rin siya umano hanggang ngayon kahit noon pa mang ma-diagnose siya ng “autoimmune condition”.

Dagdag pa niya, na-survive umano niya ang mga side effect ng “methotrexate” at “biological injectable” dahil dinidinig daw ng Diyos ang panalangin ng kaniyang mga tagasuporta.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Praying more that in 18 to 20 months i’ll reach remission and after 6 months i’ll have my doctors’ clearances and we can go home. i miss my sisters, my cousins, my 🇵🇭doctors, my close friends, and of course all of you… It’s already been 16 months.”

Sinabi rin ni Kris na lumipat umano sila ng tirahan sa isang bagong rental home na 10 minuto lang ang layo mula sa kaniyang doktor.

Bukod pa diyan, nilinaw din ng “Queen of All Media” sa kaniyang pahabol na pahayag na wala umano siyang karelasyon sa kasalukuyan.

“P.S. my sisters urged me to make my current status very CLEAR. I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and i feel more PEACEFUL. No details because i value my privacy and respect his, and i chose to only give the FACTS that should be addressed.”

Matatandaang noong Mayo ay tila umamin si Kris tungkol sa tunay na estado ng relasyon niya kay Batangas Vice Governor Mark Leviste sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Pero makalipas ang dalawang buwan, kinumpirma niya ang hiwalayan sa pagitan nila ng Vice Governor.

Sa huling bahagi ng post, muling nagpasalamat si Kris sa mga tao na patuloy na dumadamay at nananalangin para sa kaniyang pamilya at paggaling.