Ibinasura na ng Court of Appeals (CA) ang isinampang kaso ng isang telecommunication company laban sa National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay ng kanilang aplikasyon para sa isang provisional authority upang makapag-operate ng cellular mobile telephone service.   

Sa 16 pahinang desisyon nitong Setyembre 28, sinabi ng CA-Special 9th Division na hindi nakapagharap ng maliwanag na legal right sa hinihinging frequencies ang NOW Telecom, Inc.

Idinahilan din ng NTC, ginawa lamang nila ang kanilang tungkulin sa kaso.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

"We should therefore refrain from intervening in the discretionary functions and prerogatives of the Executive department. Moreover, considering that NOW Telecom failed to establish that it has a clear legal right over the concomitant frequencies, this Court is powerless to grant the remedy prayed for in the petition,” katwiran ng NTC.

Nag-ugat ang usapin sa kahilingan ng kumpanya na puwersahin ang NTC na sumunod sa inilabas na resolusyon at sa order of automatic approval (OAA) ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Matatandaang naghain ng petition for mandamus ang nasabing kumpanya alinsunod na rin sa Rule 65 ng Revised Rules of Court, kung saan humihiling na puwersahin ang NTC at ang dating commissioner nito na si Gamaliel Cordoba na sumunod sa resolusyon ng ARTA at OAA na may petsang Marso 1, 2021.

"The ARTA declared that the "firms application for a provisional authority to operate in the frequency range 1970 Mhz - 1980 Mhz paired with 2160 Mhz to 2170 Mhz and 3.6 Ghz to 3.8 Ghz frequency ranges" was automatically approved by operation of law, specifically Republic Act 11032, otherwise known as the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018," ayon sa hukuman.

Sa isang resolusyong may petsang Hunyo 17, 2022, binaligtad ng ARTA ang dating desisyon at inirekomenda sa NTC ang application for frequency assignment ng ARTA.

Paliwanag ng CA, ang naging petisyon ng kumpanya ay batay lamang sa kanilang hinihiling na lawak ng frequency at alegasyong nagpabaya ito sa kanilang tungkulin sa usapin.

PNA