Mas lumakas pa ang bagyong Jenny habang kumikilos ito pa-northwest sa Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng umaga, Oktubre 2.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng Typhoon Jenny 600 kilometro ang layo sa silangan ng Calayan, Cagayan, na may lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour at pagbugsong 170 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas na sa Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

National

Mga nagpakalat ng fake news tungkol sa 'petisyon,' lagot sa Korte Suprema!

  • Batanes
  • Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands
  • Northern at eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas)
  • Apayao 
  • Northern portion ng Ilocos Norte (Carasi, Vintar, Burgos, Dumalneg, Bangui, Pagudpud, Adams)

Minimal to minor impacts from strong winds are possible within any of the areas under Wind Signal No. 1. The most likely highest Wind Signal that will be hoisted is Wind Signal No. 2, although the potential for Wind Signal No. 3 is not ruled out at this time,” saad ng PAGASA.

Samantala, patuloy umanong palalakasin ng Typhoon Jenny ang southwest monsoon o habagat, na posible namang magdala ng mga pag-ulan sa western portions ng Central Luzon, Southern Luzon, Visayas, at Mindanao sa susunod na tatlong araw.

Inaasahan naman umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng gabi, Oktubre 5, o sa Biyernes ng umaga, Oktubre 6.