Ibinahagi ni German Ambassador to the Philippines Andreas Pfaffernoschke ang ilan sa mga lugar sa Maynila na binisita umano niya noong nagdaang linggo.
Sa kaniyang post sa X nitong Linggo, Oktubre 1, nagbahagi si Pfaffernoschke ng mga larawan ng Chinese lanterns sa Chinatown ng Binondo, maging ng Manila Cathedral, na kinuhanan niya mula sa Palacio del Gobernador sa Intramuros.
Bukod dito, ibinahagi rin ng ambassador ang larawan ng Fort Santiago.
“Fascinating impressions from a Saturday in downtown Manila,” ani Pfaffernoschke.