Nakapitas na rin ng unang gintong medalya ang Pilipinas sa 19th Asian Games sa China.

Ang nasabing medalya ay nakuha ni pole vaulter EJ Obiena nito matapos lundagin ang 5.90 meters sa men’s pole vault event sa Hangzhou Olympics Centre Stadium sa China nitong Sabado.

Tinalo ni Obiena ang Chinese na sina Huang Bojao na nakakuha lamang ng silver medal makaraang lagpasan ang 5.65 meters.

Nauna nang sinubukang lundagin ni Obiena ang 6.02 meters upang masira sana nito ang kanyang Asian record. Gayunman, nabigo ito sa tatlong beses na pagtatangka.

National

OVP nagsagawa ng relief operations kahit lumipad pa-Germany si VP Sara

Sa kabuuan, walo na ang medalya ng Pilipinas, kabilang ang isang silver at anim na bronze.