Kinilala ng "Film Development Council of the Philippines" o FDCP ang mga komedyanteng sina Eugene Domingo, Ai Ai Delas Alas, Michael V, TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon), at Vice Ganda dahil sa kanilang ambag sa mundo ng komedya at pagpapatawa, na ginanap noong Biyernes, Setyembre 29.

Hinirang naman ng FDCP ang yumaong Comedy King na si Dolphy bilang "Comedy Icon."

Batay naman sa kaniyang speech, sinabi ni Bitoy na sa panahon ngayon ay napakahirap nang magpatawa. Subalit bilang isang komedyante ay patuloy raw silang magpapatawa at gagawa ng mga materyal na magpapasaya at magpapatuwa sa puso ng mga Pilipino.

Hindi nakadalo sa nabanggit na pagbibigay ng parangal ang ilan gaya ni Vice Ganda, na kinatawan ng Star Cinema ang dumalo para kunin at tanggapin ang kaniyang tropeo.
National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands