Naglabas ng pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Linggo, Oktubre 1, hinggil sa isyu ng “no work, no pay" na mga empleyado ng It's Showtime na maaapektuhan kung  matuloy ang 12 airing days suspension nito.

Sa isang pahayag, iginiit ng MTRCB na magkaiba umanong usapin ang desisyon nitong suspendihin ang It's Showtime at ang isyu ng “no work, no pay."

"The suspension, in fact, underscores the broader and more pressing matter of contractualization within the entertainment industry. The issue deserves sincere attention from the producer," giit ng MTRCB.

"The practice by the Producer, or Management to not regularize their employees, even when a show has been airing live for six days a week, for over a decade, highlights a much bigger problem than the show’s 12-airing-day suspension," dagdag pa nito.

Metro

Lalaki, pinagsasaksak sa dibdib dahil umano sa paggamit ng basketball court

Samantala, nagpahayag din ng pakikisimpatya ang ahensya sa lahat umano ng mga maaapektuhan kapag naging epektibo na ang suspensyon ng noontime show.

"We sincerely empathize with the hardworking individuals who will be affected once the suspension takes effect," anang MTRCB.

"However, we believe that the inability of the management to provide regular employment should not impinge on the duty of the MTRCB to uphold its mandate in ensuring the ethical compliance of broadcasting content by any production company or television network pursuant to Presidential Decree No. 1986."

"It remains the prerogative of the Producer/Management to suspend/sanction erring host/s as they deem fit, which has been the practice of other noontime shows, as hosts are beyond the jurisdiction of the MTRCB," saad pa nito.

Matatandaang nanawagan kamakailan si Senador Ramon “Bong” Revilla sa Office of the President (OP) na isaalang-alang ang mga ‘no work-no pay’ na empleyado ng It’s Showtime sakaling maghain ito ng apela rito.

MAKI-BALITA: Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

Ang naturang pahayag ni Revilla ay matapos ibinasura ng MTRCB ang motions for reconsideration na isinumite ng It’s Showtime kaugnay ng 12 airing days suspension na ipinataw dito.

MAKI-BALITA: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime

Pinatawan ng MTRCB ang noontime show ng 12 airing days suspension dahil umano sa mga natanggap nilang reklamo kaugnay sa pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata” noong Hulyo.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB