Tila may namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang Kapuso actress na sina Kyline Alcantara at Mariel Pamintuan.

Sa video kasing ibinahagi ni Mariel sa kaniyang TikTok account na may pamagat na “Confession of a Starlet”, naikuwento niya na bukod sa napagkakamalan siyang si Ashley Ortega, naibahagi rin niya ang tungkol sa isang “sampalang scene” na kinailangan niyang gawin ka-eksena ang bida ng isang serye. G na g umano ang kaeksena niyang bida na sumampal sa kaniya kaya halos humiwalay daw ang kaluluwa niya sa kaniyang katawan.

Bagama’t walang nabanggit na pangalan si Mariel, nagkaroon ng espekulasyon ang mga netizen na si Kyline ang tinutukoy niya sa nasabing video. Lalo na nang maispatan ng mga netizen ang tugon ni Kyline sa komento ni Mariel na “p.s. Nireshoot yung sampalan scene medyo nakaganti naman ako kahit paano”.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Ang sey ni Kyline: “Bakit di nyo po minention pangalan ko, madam mariel?” Pero sa kasalukuyan, hindi na mababasa pa ang nasabing tugon dahil burado na ito.

Samantala, tila may makahulugang post naman si Kyline sa kaniyang X account isang araw matapos ibahagi ni Mariel ang nasabing video. At ang hinala ng marami, may kaugnayan ito rito.

“nakakatawa talaga people on the internet😂 assuming a lot of different things. Hay. ANYWAY… have great day ahead, my sunflowers!!! 🫶🏼🤗💕” pahaging ni Kyline.

https://twitter.com/2002kyline/status/1707665250173284857

Matatandaang nagkasama ang dalawa sa teleseryeng “Luv is: Love at First Read” ng GMA Network.

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Mariel kung si Kyline ba ang tinutukoy niya sa sampalan scene o ang artistang nagmura sa kaniya sa throw lines. Wala pa ring pahayag si Kyline kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang komento kay Mariel.

MAKI-BALITA: ‘Starlet’ ng GMA nagkuwento tungkol sa karanasan bilang artista – Balita