'Konsyerto sa Palasyo' na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
Dinaluhan nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte ang idinaos na 'Konsyerto sa Palasyo' o KSP na alay sa mga guro nitong Linggo ng gabi.
Dahil na rin sa pagdiriwang ng buwan ng mga guro, binigyang-pagkilala ng Pangulo ang mga guro sa kanilang dedikasyon at kasipagan sa pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ang konsyerto na dinaluhan ng mga lokal na musikero ay pinangunahan ng Office of the President (OP), Presidential Communications Office (PCO), Social Secretary’s Office (SOSEC) at Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang (PBS-RTVM).
Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), kasama rin ng Pangulo sa nanood ng konsyerto si First Lady Liza Araneta-Marcos