Itinaas na sa Signal No. 1 ang probinsya ng Batanes dahil sa Severe Tropical Storm Jenny na bahagya pang lumakas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo ng hapon, Oktubre 1.

Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng Severe Tropical Storm Jenny 760 kilometro ang layo sa silangan ng Aparri, Cagayan, na may lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour at pagbugsong 125 kilometers per hour.

Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

Samantala, patuloy umanong palalakasin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat, na posible namang magdala ng mga pag-ulan sa western portions ng Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao sa susunod na tatlong araw.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Inihayag din ng PAGASA na posible pang lumakas at itaas sa typhoon category ang bagyo ngayong Linggo ng gabi.

Inaasahan naman umanong lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng tanghali o gabi, Oktubre 5.