Nakorner ng press people ang beteranang aktres na si Susan Africa sa naganap na pagbabalik ng "The ABS-CBN Ball 2023" na ginanap nitong Setyembre 30 sa Makati Shangri-la Hotel sa Makati City.

Kamakailan lamang ay trending si Susan dahil sa memes tungkol sa kaniyang "nakaahon-ahon" na karakter sa "FPJ's Batang Quiapo." Nag-level up na raw kasi si Susan dahil malayo na sa karaniwang roles niyang sakiting nanay o kasambahay ang kaniyang gagampanan.

Sa ulat at video ng ABS-CBN News, natanong si Susan kung ano ang pakiramdam niya ngayong dumalo siya sa most-anticipated ball. "Excited na kinakabahan. Happy, invited ako sa wakas!"

Nagbigay rin ng reaksiyon si Susan sa mga kumalat na memes tungkol sa kaniya. Aniya, masaya siya at nakapagpasaya siya ng maraming tao, dahil hindi naman daw siya na-offend dito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Marami naman daw siyang nagampanang "mayamang" roles subalit siguro daw ay tumatak sa mga manonood ang role niya sa soap operang "Mara Clara."

Forever grateful din si Susan sa ABS-CBN dahil ilang dekada na rin siyang nagtatrabaho rito at in fairness nga ay hindi siya nababakante.

Simula kasi sa "Kadenang Ginto," napasama siya sa "Dirty Linen," at siyempre ay kabilang pa rin siya sa Batang Quiapo.

Marami pa raw dapat abangan sa kaniyang role sa Batang Quiapo lalo't inaabangan na ang kanilang biglang yaman.

MAKI-BALITA: Susan Africa ‘nakaahon-ahon’ na raw sa api-apihan roles