Ready nang sumabak si Binibining Pilipinas International 2022 Nicole Borromeo sa Miss International 2023 na gaganapin sa Oktubre 26 sa Tokyo, Japan.

Sa naganap na send-off party noong Setyembre 27 sa Gateway Mall 2 Quantum Skyview, Araneta City Cubao, ibinahagi ni Borromeo na hindi siya pinanghinaan ng loob kahit na medyo matagal ang kaniyang hinintay para sumabak sa final competition.

National

Ilang nababahala sa CSE, pakikinggan ng DepEd

“I won’t looked at it as being tired of waiting. When I was competing for the title last year Binibining Pilipinas International. I understood the responsibilities and the patience, the determination that it takes to win this title,” ani Borromeo.

“I know that my crowning moment was over a year ago, ang tagal na and yet the support just kept flooding in. Everyday, I hope you guys know that I am feeling your support, I do read the comments and it makes me so happy to see them.

“Soon, I’ll be in Tokyo, Japan and I can’t wait to wear Philippines across my chest and when that moment comes please know that I’m thinking of all of you and I’ll wear it with such pride. Thank you and I hope to still feel your support when I’m out there as well,” pagbabahagi pa ng beauty queen.

Ayon pa kay Nicole sa kanyang official head shot photo release sa Miss International, na-surprise raw siya sa magandang feedback ng mga netizens na naniniwalang masusungkit niya ang pampitong korona ng Miss International.

Samantala, nakasuporta naman sa beauty queen ang kanyang mga kapwa Binibini’s na naroon sa send-off gaya nila Bb. Pilipinas 2022 2nd runner-up Stacey Gabriel; Bb. Pilipinas Globe 2023 Anna Lakrini Valencia; Bb. Pilipinas 2023 1st runner-up Katrina Johnson; Bb. Pilipinas 2023 2nd runner-up Atasha Reign Parani; Bb. Pilipinas Intercontinental 2022 Gabrielle Basiano and Bb. Pilipinas International 2023 Angelica Lopez.

Pinasalamatan naman ni Nicole ang kanyang mga tagasuporta at mga tumulong sa paghahanda para sa kanyang laban.

“Thank you for still keeping me around, for still believing in me, for giving a 110 percent for this. I know that it’s the longest reign ever and yet we’re still fighting, we’re still here.”